Itinanghal ng World Boxing Council si Floyd Mayweather bilang bagong champion emeritus.

Nangangahulugan nito, na kung sakaling magdesisyon na si “Money May” na magretiro sa boksing, siya ay gagawaran ng awtomatikong titulo sa WBC welterweight at middleweight belts.

Ayon sa ulat ng Boxingscene.com, ang anunsiyo na ito ay inihayag ni WBC president Mauricio Sulaiman noong Lunes, habang isinasagawa ang 53rd annual convention ng WBC sa Kunming, China.

Si Mayweather ay ginawaran din sa nabanggit na okasyon ng Lifetime Achievement Award sa nakamit nitong WBC world titles sa limang magkakahiwalay na weight division. Huli itong nakitang lumaban sa ring noong Setyembre laban kay dating world champion Andre Berto, kung saan nanalo ito sa pamamagitan ng unanimous decision.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Mayweather ay nagretiro na may win-loss slate na 49-0, na mayroong 26 na panalo at knockout ang kalaban.

(Abs Cbn Sports)