Nagwagi ng dalawang gintong medalya si Jamyla Lambunao sa juniors division habang ang Filipino Grandmaster of Memory Mark Anthony Castaneda ay nagkasya lamang sa dalawang pilak sa Taiwan Memory Championships na isinagawa noong weekend sa Taiwan.

Si Castaneda ay second overall sa Names and Faces at Spoken Numbers category at tumapos na ikatlo sa Historic Dates upang kasama si Lambunao na pamunuan ang delegasyon ng bansa na ipinadala naman sa dalawang araw, 10-kategorya na mind sport event ng Avesco Marketing Corporation.

Ang 15-anyos na si Lambunao, na siyang may hawak ng dalawang world record sa Kids division, ay patuloy naman na nagpapakita ng husay sa 13-17 age category matapos dominahin ang Random Words at Spoken Numbers bago tumapos na ikalawa sa Names & Faces at Speed Numbers.

“This is a very tough tournament because it brought together top memory athletes from Germany, Sweden, Mongolia, China, India, USA, Korea, Japan and, of course, the host country Taiwan,” sabi ni PHI delegation head and coach Anne Bernadette Bonita.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“With new generation of strong memory athletes, I can see a brighter hope for the Philippines in upcoming International Memory Sports Competitions,” ang sabi pa ni Bonita.

Kumulekta din sa Kids division si Jan Jelo Juanir nang apat na ginto, dalawang pilak at isang tanso upang tumapos na second overall.

Ang iba pang miyembro ng Avesco-Philippine Team na sumabak ay sina Joel Micus Lolong, Dorothy Elenzano, Nico Angelo Esperanza, Richard Stephen Sarcos, Philip John Benitez at Axelyancy Tabernilla.

Ang Avesco-Philippine Team ay inorganisa ng Philippine Mind Sports Association at suportado din ni Marikina City Mayor Del de Guzman, Cong. Miro Quimbo, Cong. Marcy Teodoro at District 2 Councilors. (ANGIE OREDO)