NEW YORK (AFP) – Umaasa ang mga concert promoter na makakapagtanghal pa rin ang legends na gaya nina Whitney Houston, Billie Holiday at Elvis Presley—pero pawang patay na ang mga ito.

Ngunit dahil sa makabagong teknolohiya, ang mga A-list music artist na ito, at maraming iba pa, ay muling magbabalik sa entablado sa pamamagitan ng holograms, ang three-dimensional light projections na nagbukas ng bagong pagkakataon sa industriya ng live music at iba pa.

Abril 2012 nang sumigla ang hologram, matapos na muling “buhayin” ng Coachella, isa sa pinakamaiimpluwensiyang music festival, ang pinaslang na rapper na si Tupac Shakur sa isang headlining set kasama ang mga dati nitong collaborator na sina Dr. Dre at Snoop Dogg.

Makalipas ang dalawang taon, nagbalik din at nagmistulang buhay na buhay ang King of Pop na si Michael Jackson sa Billboard Music Awards, ang taunang event na hosted ng US music industry magazine.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa nakalipas na mga buwan, naging regular na ang mga hologram announcement kaya naman halos pangkaraniwan na ito ngayon.

Inihayag kamakailan ng Hologram USA ang mga tour ni Whitney Houston, na pumanaw noong 2012.

“Whitney will be able to interact live in a real performance. It won’t be scripted,” sabi ni Alki David, nagtatag ng Hologram USA.

“There is a performer—an actor whose body is like Whitney,” sinabi niya sa Agencé France Presse.

Plano rin ng kumpanya na ibalik si Billie Holiday, na namatay noong 1959, sa Apollo Theater ng Harlem sa unang regularly scheduled hologram show.

Holograms record light fields, rather than standard camera images, thereby allowing a three-dimensional presentation.

Isa pang kumpanya sa Amerika, ang Pulse Evolution, ang naghahanda naman para sa isang musical na batay kay Elvis Presley, at isasagawa sa entablado sa pamamagitan ng virtual reality.