Walang balak ang Commission on Elections (Comelec) na dagdagan ang voters’ registration period para sa May 2016 elections hanggang hindi naglalabas ng kautusan ang Korte Suprema.

“Mukhang malabo na maglalabas ng desisyon ang Comelec bago madesisyunan ng Supreme Court ang usapin,” pahayag ni Comelec Spokesman James Jimenez.

“Puwede rin itong (voters registration) muling buksan kung ipag-uutos ng SC,” dagdag niya.

Nitong nakaraang linggo, hiniling ng Kabataan Party-list sa SC na utusan ang Comelec na palawigin pa ang voters’ registration period hanggang Enero 8, 2016.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa kanilang petisyon, inakusahan ng grupo ang Comelec ng paglabag sa Voter’s Registration Act, na nakasaad na ang personal na paghahain ng aplikasyon ng mga botante ay dapat isagawa araw-araw sa tanggapan ng Election Officer sa regular officer hours; subalit walang pagrerehistro ang maaaring isagawa 120 araw bago ang araw ng halalan.

Naniniwala si Jimenez na may negatibong epekto ang panukalang pagpapalawig sa voters’ registration period sa isinasagawang paghahanda ng Comelec para sa May 2016 polls.

“There is going to be a high potential for error, potential for things like insufficient ballots, mis-delivery, because things such as allocations, shipping lists were not done on schedule. There is going to be a domino effect because you are unable to do what you are supposed to do now,” dagdag niya.

(LESLIE ANN AQUINO)