Hindi naglaro ng kahit isang minute si Udonis Haslem para sa Miami Heat noong linggo subalit dinomina naman niya ito sa halftime huddle.
Tumagos sa puso ng kanyang mga kakampi ang matapang na pananalita ni Haslem na naging dahilan upang mabago ang laro ng Heat sa second half.
Nagawang malampasan ng Heat ang Houston Rockets sa huling dalawang quarters ng 41-puntos upang makuha nito ang 109-89 panalo.
“Absolutely awesome,” ani Heat coach Erik Spoelstra tungkol sa nasabing speech ni Haslem. “That’s what leaders do.
By the time I got in there, he was already halfway through it and there wasn’t much that was needed to be said after that.”
Nilampaso ang Heat sa iskor na 44-65 sa simula ng second half, bago natalo ang Heat ng 65-puntos kumpara sa 24 lamang ng Rockets sa kabuuan ng second half para maangkin ang tagumpay.
“At times, I can be kind of harsh,” ani Haslem. “But it’s harsh reality ... and it just comes out the way it comes out.”
Nagtala si Hassan Whiteside ng 25 puntos at 15 rebounds, habang nagdagdag naman si Dwayne Wade ng 20-puntos at 14-puntos naman kay Luol Deng upang pangunahan ang itinala ng Miami na pinakamalaking “comeback win” simula nang makabalik ang Cleveland mula sa 27-puntos na pagkakaiwan noong 2012-13 championship season.
Pinangunahan naman ni Marcus Thornton ang Houston sa kanyang itinalang 21 puntos kasunod si James Harden na may 16 puntos.
“You can’t have a stagnant offense and not get stops,” pahayag ni Harden. “That’s a sign of disaster, which happened in the second half.”
“We have not played well all preseason. We have not played well in the first three games,”ayon naman kay Rockets coach Kevin McHale. “No one feels sorry for us. We just have got to go out and find our rhythm and keep on playing.”
Sa iba pang laro, nagtala naman sina Pau Gasol at Nikola Mirotic ng tig-16 puntos para sa Chicago Bulls na nagawang makalusot sa huling hirit ng Orlando Magic para maiposte ang 92-87 panalo.
Lamang ng 14-puntos sa halftime ang Bulls at 12-puntos papasok ng final period bago unti-unting naibaba ng magic ng kalamangan hanggang dalawang puntos, may 3 minuto pa ang nalalabi sa laro.
Ngunit tinapos ni Jimmy Butler ang nasabing paghahabol ng Magic sa pamamagitan ng isang interception.
Ang panalo ang ikatlo ng Bulls sa apat na laro habang bumagsak naman ang Magic sa ikatlong sunod nitong pagkabigo.
Nagtala lamang ng anim na puntos si Derrick Rose sa nasabing laro ngunit mayroon siyang pitong rebounds at game-high 8 assists. (AP)