Ang newly-crowned Philippine Boxing Federation (PBF) minimumweight champion Ronnie “Ultimate Warrior” Tanallon ng General Santos City ay lalabanan si World Boxing Association (WBA) International minimumweight titleholder Siyabonga Siyo ng South Africa sa isang non-title fight sa Nobyembre 28 sa East London, South Africa.

Ang 22-anyos na si Tanallon ay nanalo ng unanimous decision kontra Lester John Pronco, dahilan upang mabakante ang PBF crown noong Oktubre 10 sa ginanap na labanan sa harapan ng Glan Municipal Hall sa glan, Sarangani province.

“Tanallon has been back to the gym training since Oct. 12,” ani ito sa boxing manager-promoter Jim Claude Manangquil of Sanman Promotions & Stable.

Sa kasalukuyan, si Tanallon ay mayroong 8-1-1 win-loss-draw record holder, at nanalo ito sa apat na laro niya ngayong taon. Nagsimula si Tanallon sa taong ito na nagwagi sa laban nito kay Jonathan Ricablanca noong enero 17 sa Oval Plaza covered court sa General Santos City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Muli itong nakaungos sa isang laban kontra kay Danilo Umadhay noong Mayo 1 sa Sindangan, Zamboanga del Norte.

Sa kabilang dako, nasungkit naman ni Siyo ang bakanteng titulo sa unanimous decision na laban niya kay Filipino boxer Lito Dante noong Agosto 14 sa Orient Theatre, East London, Eastern Cape, South Africa.

Ang undefeated na si Siyo (9-0-0) ay nakuha din ang WBA Pan African minimumweight crown sa unanimous decision nang matalo niya si Siphamanda Baleni, isa ring South African noong disyembre 12 sa East London.

Si Siyo ay mayroon ng apat na knockout wins. (PNA)