Bobby Parks_01_Sports_021115 copy

Kapag pinal na makapasok, ang Fil-Am na si Bobby Ray Parks ang kauna-unahang Pinoy na makalalaro sa National Basketball Association (NBA) D-League.

Si Parks, anak ni dating PBA 7-time Best Import na si Bobbdy Parks ay napili sa katatapos na 2015 Rookie Draft ng koponan ng Texas Legends.

Ang batang si Parks ay ginawaran ng UAAP Most Valuable Player (MVP) ng dalawang beses. Nabigo itong makuha sa nakaraang 2015 NBA Rookie Draft noong Hunyo ngunit nagkaroon naman ito ng tsansa na makapaglaro sa koponan ng Mavericks sa nakalipas na NBA Summer League.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“He’s a quiet player but he gets the job done,” ang pahayag ni coach Nick Van Exel ng Legends—ang developmental team ng Dallas Mavericks, matapos nilang kunin ang 22-anyos na si Parks sa 25th overall bilang una nilang pick.

Anak ng yumaong si Parks sa Filipina na si Marifer Barbosa, umaasa si Parks na maipakikita niya ang magandang performance sa D-League para sa tsansang maging kauna-unahang Pinoy na makapaglaro sa NBA.

“I love Bobby Ray Parks,” pahayag ni Van Exel, isang dating NBA All-Star, sa video ng post-draft party ng kanilang koponan. “He’s the guy who can shoot the ball well. He can attack the basket, he’s a great defender, he plays the passing lanes.”

Magsisimula ang kampanya ng Legends sa NBA D –League sa Nobyembre 13 kontra Austin Spurs.

Si Parks ang ikalawang Pinoy na na-draft sa NBA D-League matapos makuha noon ng Santa Cruz Warriors ang kasalukuyang Ginebra player na si Japeth Aguilar sa seventh round noong 2012.

Ang 6-foot-4 Parks ay nagtala ng average na 3.0 points at 1.7 rebounds sa loob ng 10.5 minuto sa nakaraang NBA Summer League. (MARIVIC AWITAN)

“He has got a lot of upside and and could really develop into an effective player for us,” pahayag naman ni Legends president Malcolm Farmer. (MARIVIC AWITAN)