Simula sa Nobyembre 15 ay ipatutupad na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong-buwang ban sa panghuhuli o paghahango ng galunggong sa hilaga-silangang Palawan.

Inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala na inaprubahan ng National Fisheries and Aquatic Resources Managament Council ang “closed season” para sa galunggong sa hilaga-silangang Palawan, na magsisimula sa Nobyembre 15 at tatagal nang tatlong buwan.

Bukod sa closed season, ipinagbabawal din ang paggamit ng “hulbot-hulbot”, isang Danish Seine fishing gear, gayundin ang pangongolekta at pag-e-export ng elvers, sargassum at corals, ayon kay Alcala.

“It is not unknown to you that closed fishing seasons have been effective in increasing the output of sardines and small pelagic species in Visayan Sea, Davao Gulf and Zamboanga Peninsula have positive,” sabi ni Alcala.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Layunin ng pagpapatupad ng fishing ban na tiyakin ang supply at pangalagaan ang mga yamang-dagat, siguruhing aabot sa sapat na laki at magpaparami ang mga isda, at matutugunan ang ilegal na pangingisda. (Ellalyn B. De Vera)