Isang mambabatas ang naghain ng panukalang isamoderno ang National Library of the Philippines (NLP) upang itaguyod ang pagmamahal sa pagbabasa ng sambayanang Pilipino.
Sinabi ni Rep. Carlo V. Lopez (2nd District, Manila) na ang kanyang House Bill No. 4454 ay tutukoy at magtatakda ng mga serbisyo at tungkulin ng NLP bilang isang service-oriented institution at gawin itong mas competitive sa digital age.
Binibigyan diin nito ang kapangyarihan ang NLP na magsagawa ng mga aktibidad na magpapayabong sa kultura sa ilalim ng mga probisyon ng Republic Act No. 10066 o ng National Cultural Heritage Act of 2009.
Sinabi ni Lopez na ang R.A. 10066 ay nagsasaad na ang National Library of the Philippines ay magiging responsable sa “rare and significant contemporary Philippine books, manuscripts such as, but not limited to presidential papers, periodicals, newspapers, singly or in collection, and libraries and electronic records.” (Bert De Guzman)