KABUL, Afghanistan (AP) – Sinabi ng mga opisyal sa Kabul na muling tatanggapin ng gobyerno ang lahat ng Afghan citizen na pinababalik mula sa Germany, na nahihirapan sa dami ng refugee.
Ayon kay deputy presidential spokesman, Zafar Hashemi, bilang signatory sa Geneva Convention, obligado ang Afghanistan na tanggapin ang kanyang mga mamamayan na tinanggihan ang asylum application.
Batay sa huling tala, mayroong 120,000 Afghan ang umalis sa bansa.