Itinanghal si Jjay Alejandro ng National University (NU) bilang Player of the Week matapos ang ipinakita nitong galing sa laban ng koponan kontra De La Salle University (DLSU) na naging dahilan upang maibalik ng Bulldogs ang puwersa na magkaroon ng spot sa UAAP Season 78 Final Four.

Kontra sa koponan ng La Salle na hinahabol din ang spot para sa semifinals, ibinuhos ni Alejandro ang kanyang puwersa upang makamit ang 25-puntos sa eight-of-13 shooting, idagdag pa rito ang 3-rebounds na nakadagdag sa 81-73 pagkapanalo ng NU noong Miyerkules sa MOA Arena.

Lalo pang nakadagdag sa impresibong performance ni Alejandro ay 17 sa kanyang 25-puntos ay nagawa noong fourth quarter, nang lima sa anim na pagtatangka mula sa field. Nakaiskor ito ng 14-puntos sa kabuuan 14-3 na nagbigay sa Bulldogs na 65-58 lead.

“Kailangan ko mag-step up,” ang pahayag ni Alejandro makaraan ang kanyang sensational performance. “Si Pao (Javelona), foul trouble, tapos na-sprain pa si Kyle (Neypes), so siguro, ‘yung mindset ko lang is kung ano ang maitutulong sa team, gagawin ko lang.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang full offensive na panlaban ni Alejandro ay naipamalas nito sa fourth quarter, makaraan ang kanyang tatlong three-pointers at mailiko ang kanyang defender sa basket.

“Nakakakita lang talaga ako ng openings. Siguro, right place at the right time lang talaga,” dagdag pa ni Alejandro.

Ang coach ng NU na si Eric Altamirano ay pawang papuri kay Alejandro na mayroon lamang average na 6.63 puntos bawat laro bago ang kanyang pagsabog sa laban kontra Green Archers.

“Every time he plays well for us, it’s a lot easier for us,” ang sabi ni Altamirano tungkol kay Alejandro.

“Sometimes, our defense is there, but we lack the offensive firepower. Every time he contributes like that, it really makes it easier for us.”

Bunga ng ipinakitang gilas ni Alejandro, nabuhayan ang Bulldogs sa pagpasok sa final stretch ng elimination round.

“Alam naman ni Jay ang role niya sa team, and he’s really doing it to the hilt. Siya ‘yung spark namin ngayon, so we’ll ride on his back right now,” paliwanag pa ni Altamirano. (AbsCbn Sports)