SA wakas, nakasama sa Magic 8 ng darating na Metro Manila Film Festival ang pelikula ni Direk Erik Matti na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz, ang Honor Thy Father. Kinumpirna ng Metro Manila Film Festival executive na si Dominic Du na ang Erik Matti film Honor Thy Father a.k.a Conman ay opisyal nang kasali sa annual film festival.
Nabigyan ng pagkakataong makapasok ang John Lloyd movie nang i-withdraw ni Direk Gil Portes ang kanyang biofilm na Hermano Puli.
Matatandaang nagkaroon na ng premier ang Honor Thy Father last September sa Toronto International Film Festival at nabigyan ng magagandang feedback mula sa The Hollywood Reporter.
Hindi naging malaking sorpresa para kay Direk Matti ang pagkakapasok ng kanilang movie dahil ang Honor Thy Father, along with Lakambini ni Direk Jeffrey Jeturian, ay dati nang inihayag bilang “reserved films” noong kalagitnaan ng taong ito kapag may nag-back out na hindi sa deadline. Sa inclusion ng Honor Thy Father sa MMFF, hindi kaya magkaroon ng conflict ang movie kapag mas mauuna ang pagpapalabas ng John Lloyd film sa Trinoma Cinema ngayong Linggo? Nauna na kasing sinabi ni John Lloyd sa programa ni Kuya Boy Abunda sa Tonight With Kuya Boy last week na ang kanilang obra ni direk Matti ay magiging opening para sa gaganaping Cinema One Originals Film Festival on November 8.
Anyway, as of this writing, ang magic 8 o ang official entries sa nalalapit na MMFF ay ang mga sumusunod:
1. Honor Thy Father – Erik Matti
2. My Bebe Love: Kilig Pa More! – Jose Javier Reyes
3. Beauty and the Bestie – Wenn Deramas
4. All You Need is Pag-Ibig – Antoinette Jadaone
5. Walang Forever – Dan Villegas
6. Haunted Mansion – Jun Lana
7. Buy Now, Die Later – Randolph Longjas
8. Nilalang – Pedring Lopez (ADOR SALUTA)