Mabibiyayaan ng libreng insurance mula sa pamahalaang lungsod ng Makati ang mahigit 5,000 tricycle driver bilang tulong pinansiyal sakaling maaksidente ang mga ito sa kanilang pamamasada, inihayag ni Makati City Acting Mayor Romulo “Kid” Peña.

Noong Oktubre 26 ipinamahagi ng pamahalaang lungsod ang P10,000 insurance sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Makati.

Sinabi ni Alberto Galisim, presidente ng TODA, na ikinatuwa ng mga tricycle driver at ng kanilang mga pamilya ang natanggap na benepisyo mula sa pamahalaang lungsod.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang TODA sa pamahalaang lungsod, sa inisyatibo ni Peña, na mabigyan sila ng free insurance. (Bella Gamotea)

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>