Isang 10-anyos na Pilipina ang nagwagi sa unang essay writing competition tungkol sa kapayapaan na isinagawa sa Inter-Parliamentary Union (IPU) Global Conference sa Geneva, Switzerland.

Nanalo si Ana Patricia Dela Rosa sa unang essay writing competition na inisponsor ng IPU tungkol sa “What Peace Means To Me?”, na layuning magsulong ng kamulatan tungkol sa mga pandaigdigang pangamba para sa kabataan.

Tinanggap ni Dela Rosa ang parangal mula kay IPU Secretary-General Martin Chungong, at binasa ang kanyang sanaysay sa harap ng lahat ng kinatawan ng Member State at mga delegasyon sa IPU Global Conference nitong Oktubre 21.

Si Ana Patricia ay anak ng kapwa Pilipinong sina Anthony Dela Rosa, isang IT professional sa Joint United Nations Programs on HIV/AIDS (UNAIDS), at Christine Dela Rosa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The Philippine Mission and the members of the Philippine delegation who attended the IPU Global Conference in Geneva are very proud of Ana for winning the competition,” sinabi ni Philippine Permanent Representative to the United Nations at sa iba pang international organization sa Geneva na si Cecilia Rebong.

“We take pride in her achievement and in how her essay reflected Filipino values such as the importance of having strong family ties, resiliency and maintenance of smooth interpersonal relationships which she cited as important elements for peace,” dagdag ni Rebong.

Dumalo rin sa awarding ceremony sina Senator Aquilino Martin “Koko” Pimentel III, Bulacan 3rd District Rep. Joselito Mendoza, at Philippine Minister and Consul General Enrico Fos.

Ang essay ni Dela Rosa ang nagwagi mula sa 72 pang lahok. Ang ikalawang IPU essay-writing contest ay idaraos sa Zambia sa Marso 2016. (Madel Sabater-Namit)