Umalma ang alyansa ng mga nasalanta ng super typhoon ‘Yolanda’ noong 2013 sa pahayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky” Soliman noong nakaraang taon na “wala nang mga bunkhouse sa Tacloban City sa huling bahagi ng Oktubre” ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Marissa Cabaljao, secretary general ng People Surge, malayo sa katotohanan ang inihayag ni Soliman dahil hanggang sa huling araw ng Oktubre ay marami pa ring pamilya ang nakatira sa nasabing temporary shelter ng Yolanda survivors.

“On the last day of October, People Surge visited the IPI bunkhouse at Caibaan, one of the bunkhouses in Tacloban. What we witnessed were more or less 400 families still living in bunkhouses. Dinky Soliman broke another promise to the hundreds of families who have long been waiting for permanent shelter more than they could tolerate,” paliwanag ni Cabaljao.

Ayon kay Cabaljao, aabot lang sa 534 na permanenteng tirahan ang naipatayo ng National Housing Authority (NHA), maliit na porsiyento lamang sa puntiryang 13,801 na kabahayang inaasahan ng mga sinalanta ng kalamidad. - Rommel Tabbad

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji