Halos abot na ni Filipino-American Bobby Ray Parks Jr., ang pangarap na makapasok sa National Basketball Association (NBA) makaraang mapili siya ng Texas Legends sa ikalawang round ng NBA D-League noong Sabado.

Ang 22-anyos na si Parks, ng National University (NU), na nakasungkit ng UAAP Most Valuable Player (MVP) awards noong 2011 at 2012, ay mapalad na napili sa ika-siyam na puwesto sa second round (25th overall).

Ang Legends, na affiliate team ng Dallas Mavericks, ay napisil din si Parks sa nakaraang NBA Summer League sa Las Vegas.

Ang 6’4” na si Parks, ay anak ni dating seven-time PBA best import at Hall of Famer na si Bobby Parks. Siya pa lang ang ikalawang Pinoy na nakapasok sa NBA D-Draft League,na si Japeth Aguilar ang una, na napili naman sa ikapitong round ng Santa Ana Cruz Warriors noong 2012.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Isa pang napili sa D-League ay si Jean Victor Nguidjol, ng Lyceum University na napili din sa ika-16th overall ng Austin Spurs.

Ang 6’9” na si Nguidjol ay ang second-leading scorer ng Lyceum, na may average na 11 puntos bawat laro, 8.6 rebounds bawat laro sa NCAA Season 91. - PNA