Nawalan ng saysay ang “No Bio, No Boto” campaign ng Commission on Elections (Comelec), ayon sa isang abogado.

Sa lingguhang Fernandina Forum sa Club Filipino, sinabi Atty. Manuel Luna, Jr. na nawalan ng kabuluhan ang nasabing kampanya dahil kinansela ng Comelec ang kontrata sa voters verification system (VVS).

“It is very ironic,” sabi ni Atty. Luna.

Aniya, nawalan ng saysay ang pagkuha ng biometrics dahil walang makina na magbeberipika sa pagkakakilanlan ng botante bunsod ng naturang VVS contract cancellation.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinabi rin niya na inaasahang magkakalituhan at magkakagulo sa pagboto dahil babalik sa manu-mano sa pagbeberipika sa bawat botante. - Mac Cabreros