Sa kasagsagan ng kontrobersiya sa “tanim bala” scheme na umano’y laganap sa mga paliparan ng bansa, isa na namang senior citizen ang nahulihan ng bala sa kanyang bagahe nang mag-check in sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng airport authorities ang suspek na si Nimfa Fontamillas, 65, residente ng Cavite, na patungo sanang Singapore kasama ang kanyang anak na si Menchu Tan nang makuhanan umano ng bala sa kanyang bagahe.

Pasakay na sana ang dalawa sa Tiger Airways Flight TR2729 patungong Singapore nang masilayan ng mga tauhan ng Office of Transportation Security (OTS) sa x-ray machine ang isang bala sa side pocket ng bag ni Fontamillas, dakong 5:30 ng madaling araw.

Tumanggi umano si Fontamillas na buksan ang kanyang bagahe hanggang hindi dumarating sa NAIA ang kanyang abogado na si Clint Estandarte.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Subalit nang isalang na sa x-ray machine ang bag ni Fontamillas, lumitaw ang imahe ng isang bala.

“God knows wala ako kasalanan paano kami magdadala ng bala, kung sa aming bahay wala kaming mga baril,” ayon sa suspek.

Natakdang maglaro ang 11-anyos na anak na lalaki ni Menchu sa Singa Cup football match sa Singapore. - Ariel Fernandez