Isang malaking haloween party ang isinagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) Laro’t Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN program kahapon ng umaga nang magsidalo na naka iba’t-ibang custome ang mga nakisaya sa aktibidad sa Burnham Green ng Luneta Park.

Hindi pinalampas ng mga pamilya at mga kabataang madalas nagsisidalo kada Sabado’t-Linggo ng programa na ini-endorso mismo ng Palasyo ng Malakanyang na magsaya muna at isagawa ang family-bonding at pagpapapawis bago dalawin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Tinanong natin sila kung gusto nila na ipagpatuloy natin ang program at lahat sila halos ay gusto. Marami din ang ang nagpost sa website sa Facebook na ituloy natin saka na lamang sila magtuloy sa kani-kanilang mga pagdalaw sa mga sementeryo,” sabi ni PSC Research and Development chief Dr. Lauro Domingo Jr.

Isinagawa naman ng PSC - Zumba Instructors Networks (ZINS) sa pangunguna ni Irene Alfonso kasama sina Meg De Leon, Myjell Bayanin at Jeff Rojas ang pagtuturo ng zumba aerobics habang kasabay din ang pagtuturo ng karatedo, arnis, badminton, chess, volleyball at football.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Umabot naman sa kabuuang 470 katao ang nagpartisipa sa Quezon City Laro’t-Saya partikular sa badminton (15), chess (75), football (11), karatedo (11), senior citizen (11), volleyball (42) at zumba (305).

Isinagawa din ang Laro’t-Saya sa Luneta na itunor ang arnis (12), badminton (35), chess (50), karatedo (5), football (33), lawn tennis (11), volleyball (56), senior citizen (8) at zumba (428) para sa kabuuang 638 nagpartisipa. (Angie Oredo)