Stephen Curry
Stephen Curry

Nagtala si Stephen Curry ng 53 puntos at nag-takeover sa laro sa kanyang 28-puntos sa third quarter upang pamunuan ang Golden State sa paggapi sa winless New Orleans, 134-120.

Nagawang maungusan ni Curry ang buong koponan ng Pelicans ng dalawang puntos sa third period kung saan nagtala ang reigning NBA MVP ng career-high scoring in a quarter na nagresulta sa 105-91 bentahe para sa Warriors.

Natapos ni Curry ang laban na may 17 of 27 shooting sa field, kabilang na ang 8 of 14 sa 3-point range, bukod pa sa 9 na assists at 4 steals.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagdagdag naman ang mga kakamping sina Draymond Green at Klay Thompson ng 21 at 19 puntos para sa defending champion na Golden State ,ayon sa pagkakasunod.

Nanguna naman para sa Pelicans si Anthony Davis na may 26 puntos, 15 rebounds at 2 blocks.

Sa iba pang mga laro, nagtala si Carmelo Anthony ng 37 puntos para silatin ang Washington sa kanilang home opener, 113-110.

Umiskor si Anthony ng isang jumper may 1:35 pang nalalabi upang bigyan ang New York ng 108-106 lead bago ganap na sinelyuhan ng kakamping si Langston Galloway ng isang 3-pointer ang kanilang tagumpay.

Dalawang freethrows pa ang idinagdag ni Anthony sa nalalabing 20.4 segundo para sa final count.

Dahil sa panalo, umangat ang Knicks sa barahang 2-1, panalo-talo kapantay ng kanilang biktima na pinangunahan ni Bradley Beal na may 26 puntos.

Samantala sa Memphis, nakapagtala naman si Mike Conley ng 22 puntos at 8 assists para pamunuan ang Memphis sa 101-91 panalo kontra New Jersey Nets.

Nanguna naman para sa Nets na bumagsak sa ikatlong sunod na kabiguan si Bojan Bogdanovic na may 19 puntos. - Associated Press