BEIJING (Reuters) — Dapat patuloy na ipatupad ng China ang one-child policy hanggang sa magkabisa ang mga bagong patakaran na nagpapahintulot sa mga mag-asawa na magkaroon ng dalawang anak, sinabi ng National Health and Family Planning Commission, ang pinakamataas na family planning body ng bansa.

Nagdesisyon ang namumunong Communist Party noong nakaraang linggo na luluwagan ang ilang dekada nang one-child policy ng China. Ngunit ang plano para sa pagbabago ay kailangan munang aprubahan ng rubber-stamp parliament sa annual session nito sa Marso.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture