Direk Wenn copy

NAPANSIN namin na may ilang linggong walang bagong post sa Facebook ang box office director na si Wenn Deramas. Dati kasi, pagkagising lang niya, bago umalis ng bahay, habang nasa sasakyan niya at pati mga kasama niya sa bahay ay may kuwento si Direk Wenn na ibinabahagi niya sa kanyang FB friends.

Ang akala namin dahil sa sobrang busy si Direk Wenn kaya wala na siyang panahon sa mga ganoong bagay. Pero nang makakuwentuhan namin siya ay nagpaliwanag siya sa amin.

Nawala raw ang kanyang FB account nang mag-post siya tungkol sa naging karanasan niya sa trapik dahil sa nangyaring rally ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Siyempre, dahil nawala ang kanyang FB account ay kasama ring naglaho na parang bula ang kanyang mahigit sa 50 thousand followers.

“Zero ako ngayon, nagsimula ulit. Ang hirap-hirap mag-accept. Siyempre, kailangang pipiliin mo rin naman kasi bago ka magka-followers. Kailangang makumpleto mo rin ang five thousand friends mo,” sey ng box office director na ang latest project ay ang pelikulang Wang Fam na pinagbibidahan ni Pokwang.

Ano ang ipinost niya tungkol sa naturang rally bago nawala ang kanyang FB account?

“Well, sabi ko nga, eh, nabiktima ako ng traffic nu’ng nagra-rally sila pero ito ‘yung post ko, ‘Tatlong oras ako dito sa trapik, kung hindi pa ako lumiko, talagang siguro habambuhay ako doon ‘Tapos nakatulog ako, nanaginip ako, umulan ng dinuguan, walang puto, takbuhan ang mga tao. ‘Yun lang ang pinost ko,” seryoso pero natatawang banggit ni Direk Wenn.

Libu-libo raw agad ang nag-like sa naturang post. Linggo raw ‘yun ng gabi at kinabukasan, Lunes ay wala na siyang FB account.

“Sabi sa akin, napakarami raw na nag-report. Bakit sila ma-o-offend, eh, sinong hindi matatakot sa umulan ng dinuguan, di ba? Panaginip naman ang sinabi ko,” katwiran pa ni Direk Wenn.

Ang ikinaloka lang ni Direk, hindi man lang daw siya sinabihan, basta ang binanggit lang daw sa kanya ay umabot daw sa mahigit sa tatlong daan ang nag-report against sa kanya.

“So nawala ‘yung followers ko. Gumawa na ako ng bagong Facebook Wenn V. Deramas, dati Wenn Deramas lang,” saad pa rin niya. (JIMI ESCALA)