Ang tatlong top junior women triathlete ng Cebu City na sina Aaliyah Ricci Mataragnon, Issa Priagula at Catherine Angeli Yu- ay nagpamalas ng kagalingan at kuminang sa 2015 Hong Kong ASTC Sprint Triathlon Asian Cup matapos makasungkit ng silver medal noong Sabado sa Lantau Island, Hong Kong.

Si Mataragnon na nag-aaral sa Sacred School-Hijas de Jesus ay kagagaling lamang sa viral infection subalit nakuha nito ang pangalawang puwesto sa Youth Female 2000 division sa loob lamang ng 49 minuto at 43 segundo sa sprint distance race.

Ang 14-anyos ng Jumpo Plastic Linoleum ay lumitaw sa tubig makalipas ang 7:46, at nakumpleto ang bike segment sa loob ng 20:59 at nakumpleto ang kumpetisyon sa loob ng 13:54.

Nagkaroon ng mechanical problem si Mataragnon sa pagsimula ng karera makaraang magkamali ito sa tiyempo at mahulog subalit itinuloy pa rin ito at nakipag-unahan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagawa pa rin ni Mataragnon na masungkit ang ikalawang puwesto subalit agad na rumesponde ang mga medic sa finish line.

Samantala, si Priagula ay nakapagtala sa women’s junior division (16 to 19-anyos) sa oras na 1:05:18.

Nag-stand-out ang triathlete ng Maria Montessori International School makaraang makumpletro nito ang swim part sa loob ng 8:51, nakumpleto ang bike segment sa loob ng 34:40 at natapos sa final run sa loob ng 14:46.

Si Yu naman ng Sacred Heart School-Ateneo de Cebu ay nakakuha rin ng silver medal sa youth female 2003, makaraang marating nito ang finish line sa loob ng 49:13. - PNA