TRAHEDYA Pinagmamasdan ni Egyptian Prime Minister Sherif Ismail ang wreckage ng pampasaherong eroplano ng Russia sa Hassana, Egypt nitong Sabado, Oktubre 31, 2015. Nasawi ang lahat ng 224 na lulan sa eroplano makaraan itong bumulusok sa kabundukan sa Sinai Peninsula. (AP)
TRAHEDYA Pinagmamasdan ni Egyptian Prime Minister Sherif Ismail ang wreckage ng pampasaherong eroplano ng Russia sa Hassana, Egypt nitong Sabado, Oktubre 31, 2015. Nasawi ang lahat ng 224 na lulan sa eroplano makaraan itong bumulusok sa kabundukan sa Sinai Peninsula. (AP)

SHARM EL-SHEIKH, Egypt (AP) — Nasawi ang lahat ng 224 na pasahero, kabilang ang 25 bata, sa pagbulusok ng Russian passenger airliner nitong Sabado sa kabundukan ng Sinai Peninsula sa Russia, 23 minuto matapos umalis mula sa sikat na Red Sea resort.

Hindi pa rin natutukoy ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano, ngunit inihayag ng dalawang bigating European airline na hindi na sila muling bibiyahe sa lugar upang masiguro ang kaligtasan.

Halos lahat ng pasahero ng Airbus-A321-200, na pinangangasiwaan ng Moscow-based Metrojet airline ay Russian; ayon naman sa Ukraine, apat sa kanilang kababayan ang lulan sa eroplano.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Hindi nagbigay ang mga opisyal ng Russia ng eksaktong pagkakakilanlan ng mga pasahero pagdating sa edad at kasarian, ngunit sinabing 25 sa mga ito ay bata. Mayroong pitong crew member.

Ayon kay Russian Transport Minister Maxim Sokolov, nakikipag-ugnayan na ang mga opisyal mula sa Moscow at Cairo sa insidente.

Hindi pa kinukumpirma, aniya, ng mga opisyal ng Egypt ang sinabi ng mga militante ng Islamic State na ang grupo ‘‘brought down a Russian plane over Sinai state with more than 220 Russian crusaders on board.’’

‘‘Based on our contacts with the Egyptian side, the information that the airplane was shot down must not be considered reliable,’’ sinabi ni Sokolov, ayon sa ulat ng Interfax news agency.

Naglabas ng pahayag ang opisina ni Egyptian President Abdel-Fattah el-Sissi na nakipag-usap kay Russian leader Vladimir Putin na pinuri ang mga ginawa ng awtoridad ng Egypt ‘‘to uncover the circumstances surrounding the incident.’’

Wala pang kumpirmadong insidente na nagpabagsak ng eroplano o fighter jet ang mga militante sa hilagang Sinai. May mga ulat na nagmamay-ari ang grupo ng Russian shoulder-fired, anti-aircraft missiles, ngunit ang mga gaya nito ay epektibo lang sa mabababa ang lipad.

Ang Russian airliner ay lumilipad sa taas na 31,000 talampakan nang mawalan ito ng komunikasyon sa mga air traffic controller, ayon sa mga Egyptian aviation official.