Bibigyang pagkilala ng Philippine Sports Commission (PSC) kasama ang Philippine Olympic Committee (POC) ang 20 dakilang Pilipinong atleta na iluluklok nito sa Hall of Fame bilang tampok na aktibidad sa pagdiriwang nito ng ika-25 taon ng pagkakatatag sa Enero 24, 2016.

Sinabi ni PSC Research and Development chief Dr. Lauro Domingo Jr. na hahanapin nito ang lahat ng nararapat na Pilipinong atletang nakapagbigay karangalan sa bansa sapul noong 1924 na unang pagsali ng Pilipinas sa Olimpiada hanggang 1954.

“Naputol kasi ang pagbubuo sa ating mga Sports Hall of Famer,” sabi ni Domingo Jr. “Remember, nakapagbigay tayo sa unang batch and then nawala na ang sumunod. And now, we had another decade but siyempre mga bago na ang ating mga atleta,” sabi pa nito.

Sinimulan naman ng PSC ang pagkuha sa nominasyon para sa ikalawang batch ng Sports Hall of Fame na bukas para sa lahat ng Pilipino na nakakakilala sa mga dating atleta at nagnanais na mabigyan ng karampatang dangal at prestihiyo ang mga dating pambansang atleta na nakapagsilbi sa bansa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We are looking at 20 more dahil sa naputol nga ang dapat na pagbibigay sa kanila ng recognition,” sabi pa ni Domingo Jr. kung saan matatandaang nailuklok sa Hall of Fame ang unang batch ng mga dakilang atletang Pilipino na nakapagbigay ng malaking karangalan sa bansa sa larangan ng palakasan noong 2010.

Isinasagawa na rin ng PSC ng pangangalap ng mga nominasyon mula sa iba’t ibang personalidad sa sports, mga naging tagasuporta at lalo na sa sports media para sa mga mapapabilang sa ikalawang batch.

“We at the Philippine Sports Commission shall once again enshrine members to the Sports Hall of Fame when we open 2016. We strive to continue celebrating the achievements of our Sports Heroes in the hopes that the courage, dedication and strength they showed the world during their time in the arena could serve as a guiding light, an inspiration, not only to our present pool of athletes but to the new generation of Filipinos,” sabi pa nito.

Matapos makumpleto ang lahat ng nominasyon ay gagawa ang PSC ng pinal na listahan sa Disyembre kung saan pormal nitong igagawad ang karangalan sa mismong selebrasyon ng ahensiya.

Kabilang naman sa pinakaunang batch ng mga Hall of Famers sina boksingero na si Gabriel “Flash” Elorde, Jose Villanueva, Ceferino Garcia, Pancho Villa, at Anthony Villanueva, ang swimmer na si Teofilo Ildefonso, trackster na si Miguel White at Simeon Toribio, ang basketball legend na si Carlos Loyzaga at ang bumubuo sa 1954 Philippine Men’s Basketball Team. (Angie Oredo)