Napigilan ng isang grupo ng sundalo at miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang planong pagsunog sa isang construction firm ng mga pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bakbakan sa Labo, Camarines Norte, kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni Senior Supt. Harris Fama, director ng Camarines Norte Police Provincial Office, na sinamang palad naman na masawi ang isang sundalo at isang CAFGU member sa sagupaan sa Abu Sayyaf sa Sitio Namukanan, Barangay Daguit, na nagtagal ng halos isang oras.
Ayon kay Fama, sumiklab ang sagupaan dakong 11:00 ng gabi nitong Sabado makaraang tangkain ng NPA na sunugin ang heavy equipment ng isang construction company.
“Ito ay dahil sa umano’y kabiguan ng mga kontratista na bumigay sa demand ng mga rebelde,” giit ni Fama.
Hindi umano akalain ng mga rebelde na may mga sundalong nakaposisyon sa lugar kaya naunsiyami ang planong pag-atake ng una sa construction site.
Kinilala sa ulat ng pulisya ang mga nasawi na sina Pvt. Regore at CAFGU member Anthony Aceron, na kapwa miyembro ng 49th Infantry Battalion. - Aaron Recuenco