CAIRO (AFP) – Isang pampasaherong Russian plane na may sakay na 224 na katao ang bumagsak kahapon sa Sinai Peninsula sa Egypt, ayon sa Egyptian officials.

Isang ‘Russian civilian plane... crashed in the central Sinai,” saad sa pahayag ng tanggapan ni Prime Minister Sharif Ismail.

Nakasaad naman sa pahayag ng gabinete na namataan ng mga Egyptian military plane ang nawasak na eroplano.

“Military planes have discovered the wreckage of the plane... in a mountainous area, and 45 ambulances have been directed to the site to evacuate dead and wounded,” saad pa sa pahayag.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ayon sa isang mataas na aviation official, ang eroplano ay isang charter flight ng isang kumpanyang Russian at lulan nito ang 217 pasahero at pitong crew member. Nawalan ng komunikasyon ang eroplano, aniya.

Sinabi ni Sergei Lzvolsky, opisyal mula sa Russian aviation agency na Rosaviatsia, sa Interfax news agency na umalis ang eroplano mula sa Red Sea resort town na Sharm el-Sheikh sa Egypt dakong 5:51 ng umaga (03:51 GMT).