Dapat na tigilan na ng mga security personnel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang “assassinating” sa mga Pilipino at biyahero sa pangunahing paliparan sa bansa.

Ito ang naging panawagan ni Senator Francis “Chiz” Escudero kasunod ng serye ng “tanim bala’’ sa mga bagahe ng mga dayuhan at Pilipinong pasahero, kabilang ang mga overseas Filipino worker (OFW).

Malinaw, ayon sa senador, na layunin ng modus na mangikil mula sa mga “suspek”.

“The government must seriously act now to stop these figurative assassinations of Filipinos and tourists. We must hold accountable to the fullest extent of the law these dishonorable airport officials and personnel,” ani Escudero.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kaugnay ng paghahanda sa airport security para sa serye ng pulong sa bansa ng Asia Pacific Economic Conference (APEC), sinabi ni Escudero na ang masusing paghahanda sa seguridad sa mga paliparan para sa nasabing high-profile international event ay dapat na magsimula sa pagtugon sa bagong modus operandi ng “tanim-bala” sa mga airport.

Umapela si Escudero kay Jose Angel Honrado, airport manager, na imbestigahan ang iba’t ibang insidente ng “pagtatanim ng bala” at sibakin ang mga empleyadong sangkot dito. (MARIO CASAYURAN)