SANTIAGO CITY - Isang puno ng Acacia ang kinatatakutan ng mga residente sa Barangay San Isidro sa lungsod na ito dahil sa paniwalang binabalot ito ng kababalaghan at pinamamahayan ng maligno.

Ayon kay Carlos Gangan, chairman ng Bgy. San Isidro, tatlong katao ang natagpuang patay sa naturang puno; dalawa sa mga ito ang nahulog, habang ang isa naman ay nagbigti sa sanga.

Bago natagpuang walang buhay, nakita pa umano ng mga kabarangay na nag-iinuman ang tatlo sa ilalim ng puno.

Sinabi pa ng mga residente na tuwing sasapit ang Undas ay may namamatay sa puno.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dagdag pa nila, marami na ang nagtangkang putulin ang puno, ngunit laging hindi natutuloy, dahil kung hindi inaabot ng kamalasan sa buhay ang nagtatangka, ay namamatay ito.

Tinangka na rin umanong kunan ng litrato ang puno, at laking-gulat ng mga residente ng may hugis tao na umano’y lumabas sa litrato. (Wilfredo Berganio)