Hinimok ng isang obispo ng Simbahang Katoliko ang mga mananampalataya na panalangin at misa ang mahalagang ialay sa mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, higit sa mga kandila at mga bulaklak ngayong Undas, mas mahalagang alayan ng panalangin at misa ang mga yumao, para sa kapayapaan ng kaluluwa ng mga ito.

Sa Pilipinas, nakaugalian na ng mga Pinoy na magtungo sa mga sementeryo tuwing Todos los Santos upang magtirik ng mga kandila at mag-alay ng bulaklak.

Sinabi naman ng obispo na dapat ding samantalahin ng mga tao ang Undas bilang isang pagkakataon na pasalamatan ang Diyos para sa buhay na ibinigay sa atin. (MARY ANN SANTIAGO)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente