KAPANALIG, ano nga ba ang tamang pagtrato sa mga tinatawag na children in conflict with the law (CICL) ng bansa?

Marami kasing kabataan ang nasasanay na gumawa ng petty crimes gaya ng snatching. Mula sa krimen na ito, kalaunan, may mga kabataan na guma-graduate sa mga mas malaking krimen gaya ng ginawaga ng mga batang hamog.

Karaniwan din natin nakikita ang maraming kabataan na gumagamit ng solvent sa mga abalang kanto ng ating mga kalsada. Marami man ang gusto silang pigilan, nadadaig naman sila ng takot dahil lango na sa illegal na droga ang mga kabataang ito.

Ang problema sa mga CICL ay matagal itong laganap sa bansa at lalo pang tumitindi tuwing paparating ang Pasko.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Marami kasing kabataan ang nagagamit na mga organisadong grupo.

Base sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), tinatayang nasa 64,000 na CICL ang natulungan ng gobyerno mula 2001 hanggang 2010.

Sa kasalukuyang taon, naitalang may pinakamaraming CICL sa Region 6 o Western Visayas, NCR o Metro Manila, at Region XI o sa Davao.

May karaniwang profile ang mga CICL, ayon sa Council for the Welfare of Children (CWC).

Ayon sa ahensya, ang mga CICL sa bansa ay karaniwang lalake na nasa edad 14 hanggang 17, mababa ang educational attainment, at kabilang sa mga malalaki at maralitang pamilya. Sila ay gumagamit ng mga illegal na droga at alcohol, at tumigil na sa pag-aaral. Ang kadalasang kaso nila ay property-related crimes.

Una sa dapat na mabago sa ating pananaw tungkol sa CICL ay ang pagtingin natin sa kanila. Kung tayo man ay nasanay na ituring sila na mga offenders o lumalabag sa batas, panahon na para sa isang radikal na paradigm shift: tingnan natin sila bilang mga bata na dapat sagipin at proteksyunan. Kung ganito ang ating pananaw, mag-iiba ang turing natin sa kanila, at magkakaroon ng urgency ang ating pagkilos.

Ayon nga sa isang pag-aaral ng Save the Children noong 2004, ang mga batang in conflict with the law ay produkto ng ating kapaligiran. Sila nawala sa direksyon bunga ng kaguluhan sa pamilya, kahirapan, gutom, pamayanang ginagalawan at lipunan.

Kailangan ng CICL ang ating tulong. Tulungan natin sila gamit ang mga mata ng pagmamahal gaya ng ginagawa ng Diyos.

Sabi nga ni Pope Francis, “loving God and neighbor is not something abstract, but profoundly concrete: it means seeing in every person the face of the Lord.”

Sumainyo ang katotohanan. (FR. ANTON PASCUAL)