Apat na estudyante at isang ginang ang sinasabing sinaniban ng masamang espiritu sa Barangay Candelaria sa New Washington, Aklan.

Sinasabi na isa umanong puting engkanto ang sumanib sa mga biktima.

Batay sa report, pinakialaman ng mga estudyante ang isang tanim sa loob ng kanilang paaralan, na ikinagalit umano ng mga engkanto.

Ginamit umano ng mga engkanto ang katawan ng 47-anyos na ginang upang ipaabot ang mensahe sa pagka-possess ng mga estudyante.

Probinsya

Bagong silang na sanggol, natagpuan sa damuhan

Paliwanag ni Fr. Todd Belandres, ng St. Jude Thaddeus Parish Church, na gumamot sa mga sinaniban, may apat na uri ang pagkontrol ng demonyo sa katawan ng isang tao, kabilang dito ang possession, oppression, demonic obsession at infestation.

Aniya, sa kaso ng mga estudyante at ng ginang ay maituturing itong oppression, dahil sa pagpapahirap sa mga biktima.

Ayon kay Belandres, mas mababang paraan ito ng pambihirang demonic attack na kung hindi masosolusyonan ay puwedeng mauwi sa full possession.

Aniya, hindi sa tulong ng albularyo, kundi sa pamamagitan ng pagtawag sa Diyos at pagdadasal ay maitataboy ang masasamang espiritu.