Inaasahang aabot sa kalahating milyong tao ang dadagsa sa Manila South Cemetery sa Makati City para sa paggunita sa Undas ngayong Linggo, ayon sa Makati City Police.

Nasa bukana ng sementeryo ang mga medical at public service tent, gayundin ang mahihingian ng tulong sa pagtunton sa mga puntod.

Batay sa record, nasa 800,000 ang nakalibing sa 25-ektaryang pampublikong libingan, na idinisenyo para sa 52,000 labi.

Kapansin-pansin naman ang mga nakasabit na tarpaulin ng mga “epalitiko” sa entrance ng sementeryo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mahigpit ang ipinatutupad na seguridad ng mga pulis mula sa Makati at Maynila na naatasang harangin ang mga sasakyan at kumpiskahin ang mga ipinagbabawal na gamit, tulad ng baril, patalim, alak, loudspeakers o amplifiers, mga gamit sa pagsusugal, at maging mga alagang hayop.

Simula nitong Biyernes hanggang sa Lunes, Nobyembre 2, ay istrikto at 24-oras na magbabantay ang awtoridad matapos magtayo ng pitong advanced command post sa loob ng naturang sementeryo.

Aayuda rin sa mga dadalaw sa mga yumao ang ilang volunteers, non-government organizations at mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para mapanatili ang kalinisan ng Manila South Cemetery.

(Bella Gamotea)