Mga laro sa Miyerkules

(Mall of Asia Arena,

Pasay City)

4:15 p.m. – Blackwater vs Meralco

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

7 p.m. – San Miguel vs Rain or Shine

Mahindra, ‘di pinaporma ng TNT.

Umiskor ang beteranong guard na si Jayson Castro ng 28 puntos na sinegundahan naman ng free throw shooting ng bagong backcourt tandem niyang si Jai Reyes upang matulungan ang Talk ’N Text na matalo ang Mahindra, 101-97, sa Smart Bro PBA Philippine Cup kagabi, sa Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City.

Ngayong nakabakasyon ang dating Gilas Pilipinas teammate niyang si Ranidel de Ocampo ng anim hanggang walong linggo dahil sa herniated disc, umarangkada si Castro para sa TNT sa pagbuslo niya ng 8-of-15 mula sa field sa mahigit 33 minuto.

Lamang ng isang puntos ang kalaban sa 87-88, kinumpleto ng 5-foot-11 na si Castro ang three-point play sa pag-foul ni Joshua Webb, nasa 5:12 na lang ang natitira sa game. Isang three-point shot ni Larry Fonacier ang nagbigay sa TNT ng 93-88 advantage sa natitirang 4:26 sa laro.

Nasa 97-90 na ang iskor nang siguruhin ni Reyes ang dalawang free throws, ngunit binawasan ng Enforcers—na dating Kia Sorento—ang laman sa dalawang puntos, 97-99, sa 7-2 run na tinapos ng three points ni LA Revilla.

Nagawang makalusot ng 5-foot-8 na si Revilla mula sa dambuhala, 6-foot-7 rookie forward na si Troy Rosario sa pamamagitan ng crossover at step-back jumper at na-foul pa, 1:01 na lang sa laro.

Nagkaroon ng tsansa ang Mahindra na maitabla ang iskor at mabawi ang lamang nang pumalya ang jump shot ni Ryan Reyes.

Matapos ma-foul ni Chito Jaime, kalmadong siniguro ni Jai Reyes ang dalawa sa tatlong free throw sa nalalabing 12 segundo ng laban—hanggang sa natapos ito.

Dahil sa pagkapanalo, nakabalik ang Talk ’N Text mula sa 98-114 pagkatalo nito sa Alaska noong Oktubre 23, samantalang wala pa ring panalo ang Mahindra, matapos itong biguin ng Rain or Shine sa unang laban, 94-108.

(WAYLON GALVEZ)