ANGELES CITY – Umiiral pa rin ang price freeze sa limang lalawigan sa Central Luzon na isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong ‘Lando’.

Sa update ng Department of Trade and Industry (DTI)-Region 3, sinabi nitong nasa state of calamity ang Nueva Ecija, Aurora, Zambales at Tarlac, gayudin ang mga bayan ng Arayat, Apalit, Candaba, Macabebe, Masantol, San Simon, at San Luis sa Pampanga.

Nilinaw ni DTI-3 Regional Director Judith P. Angeles na awtomatikong ipinatutupad ang price freeze sa mga lugar na nasa state of calamity.

Saklaw ng price freeze ang mga pangunahing bilihin, gaya ng mga de-latang pagkain, processed milk, kape, sabong panlaba, kandila, tinapay at asin. coffee, laundry soap, detergent, candles, bread and salt.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagbabala naman si Angeles sa mga mapagsamantalang negosyante na aabot sa hanggang P1 milyon ang multa o makukulong ng isa hanggang limang taon ang sinumang mapatutunayang nagkasala.

Ang mapatutunayan naman sa hoarding ay maaaring pagmultahin ng hanggang P2 milyon o makulong ng lima hanggang 15 taon.