TALUGTOG, Nueva Ecija - Matapos mapagsilbihan ang 90-araw na suspensiyon na ipinag-utos ng Office of the Ombudsman, nakabalik na sa puwesto ang alkalde at limang miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) sa bayang ito.

Na-reinstate sa puwesto sina Mayor Reynaldo Cachuel, at ang konsehal na sina Flora Cinense, Maximo Ancheta, Sr., Maximo Ulzano, Philip Bilegra, at Leo Monta, pawang kasapi ng Bagong Lakas ng Nueva Ecija (BALANE), gayundin si Sangguniang Bayan Secretary Norberto Baldovino, batay sa direktiba ni Department of Interior and Local Government (DILG)-Region 3 Director Florida Dijan.

Nasuspinde ang anim na opisyal makaraang pagtibayin ang isang municipal resolution sa appointment ni Rhea Jasmine Tobias bilang municipal budget officer nang walang proper quorum, at lima lang sa mga konsehal ang nagpasa sa naturang resolusyon ngunit pirmado ito ng lahat ng konsehal.

Ang lima ay kinasuhan ng grave abuse of authority, grave misconduct at dishonesty.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito