KALIBO, Aklan - Humihingi ng P5,000 per square meters na kompensasyon ang mga magsasaka at residente sa paligid ng Kalibo International Airport.

Ayon kay Atty. Florencio Gonzales, abogado ng mga residente, nakatanggap ng liham ang daan-daang residente sa mga barangay ng Pook, Caano, Tigayon at Estancia, mula sa Department of Transportation and Communication (DoTC) kaugnay ng pagbili sa ekta-ektryang lupain ng mga residente sa halagang P280-P600 para sa expansion ng runway at ng nasabing paliparan.

Ayon kay Gonzales, lubhang mababa ang nasabing presyo, dahil ang pinakamababang halaga ng lupa sa Kalibo sa ngayon ay nasa P3,000.

Sa pulong ng mga apektadong residente, pinaplano nilang ilaban sa korte ang kanilang karapatan laban sa DoTC para mabayaran sila sa tamang halaga ng kanilang lupa.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nilinaw ni Gonzales na hindi sila tutol sa expansion ng Kalibo International Airport, at ang nais lang nila ay mabigyan sila ng karampatang presyo sa pagkamkam ng gobyerno sa kani-kanilang lupain.