NGAYON ay Republic Day of Turkey.

Dahil sa estratehikong lokasyon nito (matatagpuan sa Western Asia at Southeastern Europe), lakas ng militar at masiglang ekonomiya, ang Turkey ay isang regional power. Ang bansa ay miyembro ng iba’t ibang international organization, kabilang ang Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), Organization for Security and Cooperation in Europe (OSCE), Council of Europe, Economic Cooperation Organization, at North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Maayos ang ugnayang bilateral ng Turkey at Pilipinas. Pinagtibay ang ugnayang ito sa paglagda sa Treaty of Friendship sa pagitan ng dalawang bansa noong 1949. Binuksan ng Turkey ang Embahada nito sa Maynila noong Disyembre 1990, samantala binuksan naman ng Pilipinas ang Embahada nito sa Ankara noong Oktubre 1991. Nilagdaan na rin ang iba’t ibang kasunduan sa pamumuhunan, kalakalan, pulitika, at pagtutulungang teknikal.

Nobyembre 17, 2014 nang bumisita si Turkish Prime Minister Ahmet Davuto Lu, na may delegasyong III, sa Pilipinas—ang unang pagbisita sa Pilipinas ng isang Turkish head of state. Sa nasabing pagbisita, sinabi ni Prime Minister Davuto lu na itinuturing niya ang Pilipinas na isang estratehikong kaalyado at nangakong higit pang isusulong ang ugnayang bilateral at pang-ekonomiya ng dalawang bansa. Lumagda ang mga gobyerno ng Pilipinas at Turkey sa isang air services agreement na nagpapahintulot sa mga eroplano na mag-operate ng direktang biyahe sa pagitan ng dalawang bansa, upang higit na mapaunlad ang turismo, kalakalan at pamumuhunan.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Binabati natin ang mamamayan at gobyerno ng Republic of Turkey, sa pangunguna nina President Recep Tayyip Erdogan, at Prime Minister Ahmet Davuto lu, sa pagdiriwang ng kanilang Republic Day.