Seryosong pinag-iisipan ng gobyerno ng Pilipinas ang panukalang refugee resettlement deal ng Australia ngunit ang tanging maiaalok nito ay temporary stay arrangements para sa mga asylum-seeker, sinabi ni Pangulong Aquino noong Martes.

Ayon sa Pangulo, hindi kayang ialok ng bansa ang “permanent residency” sa mga refugee dahil nahihirapan na rin ang gobyerno sa mga pangangailangan ng malaking populasyon nito.

“There is no agreement, there is a proposal propounded by the Australian government and we are seriously considering it and studying the matter,” sabi ng Pangulo sa isang forum kasama ang Foreign Correspondents Association of the Philippines (Focap) sa Solaire sa Parañaque City.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Binanggit ni PNoy na handa ang bansa na tumulong sa mga refugee ngunit limitado ang resources nito.

“I think Australia can recognize that we do have significantly bigger population than they do. We have challenges to meeting the needs of our people right now. We would want to assist but there are limitations as to how far we can assist,” sabi ni Aquino. “And if this proposed agreement is not one of a transitory nature, not one of being a transit point but is actually relocating these people here, we feel we are not in a capacity at this point in time to afford permanent residency to these people,” dagdag niya.

Sinabi ng Australian government noong Oktubre 9 na nakikipag-usap ito sa Pilipinas upang ipadala ang mga refugee matapos iulat ng pahayagang The Daily Telegraph na nagkasundo ang mga foreign minister ng dalawang bansa na tatanggapin ng Pilipinas ang mga refugee para sa resettlement kapalit ng US$109 million.

Sa ilalim ng istriktong polisiya ng Australia sa mga asylum-seeker, ang mga dumarating sakay ng mga bangka ay hindi pinagkakalooban ng resettlement sa Australia kahit na sila ay napatunayang mga totoong refugee.

(GENALYN KABILING, AFP)