Pinag-iingat ng Valenzuela City Police ang publiko dahil sa pagkalat ng pekeng pera, makaraang maaresto ang isang lalaki na nagbayad ng pekeng P1,000 sa isang karinderya sa lungsod, nitong Martes ng hapon.

Sa panayam kay Senior Supt. Audie A. Villacin, hepe ng Valenzuela City Police, dapat maging mapanuri ang mamamayan sa perang tinatanggap, lalo na ang mga may tindahan, karinderya at grocery.

“Malapit na kasi ang Pasko at tiyak na mananamantala ang mga ‘yan, kaya dapat maging maingat ang publiko sa mga fake money,” ani Villacin.

Dakong 5:30 ng hapon nitong Martes nang naaresto ng mga tauhan ng Police Community Precinct 5 si Reymus Dela Paz, 30, ng Kabuyao Street, Barangay Balangkas, Valenzuela City.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sa pahayag ni Renato Casildo, 74, ng Manuela Compound Lot 1, Bgy. Bilog ng nasabing lungsod, kay Senior Insp. Jose R. Hizon, head ng Station Investigation Unit (SIU), dakong 4:00 ng hapon nang kumain sa kanyang karinderya si Dela Paz.

Umabot sa P68 ang kinain ng suspek at P1,000 bill ang ibinayad nito sa kanya, ngunit nakaalis na si Dela Paz nang ipaalam kay Casildo ng dealer ng softdrinks na peke ang perang ibinayad ng suspek.

Humingi ng tulong sa mga pulis si Casildo at suwerte namang nakita ang suspek habang naglalakad sa Bgy. Balangkas.