Nanawagan si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa mga leader ng mga lokal na pamahalaan na umpisahan na ang pagpapahusay sa mga imprastruktura sa bansa laban sa mga kalamidad, na regular nang sumasalanta sa bansa.

Nagbabala si Tolentino na may agarang pangangailangan ngayon para magtayo ng mas matataas at matitibay na proyektong imprastruktura sa iba’t ibang panig ng bansa, lalo dahil ilang buhay ang nabubuwis at bilyon-bilyon pisong ari-arian ang nasisira dahil sa bagyo, lindol, sunog, at maging storm surge, na unang nasaksihan ng bansa sa pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’ noong Nobyembre 2013.

“Nararapat lahat ng lider natin nakatuon sa hinaharap. Dapat may vision sa susunod na 10 o 20 taon para mapatibay ang mga road networks, drainage, garbage disposal, at mas matitibay na gusali,” sinabi ni Tolentino nang magtalumpati siya sa Cebu Urban Summit.

Dapat din umano na ngayon pa lang ay bumubuo na ng konsepto ng “modern cities” ang mga lokal na opisyal para sa lumalaking populasyon at pangangailangan ng mamamayan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, dapat na tutukan ang pagsasaayos sa mga istruktura ng pamayanan, tamang paggamit sa mga lupain, maayos na transportasyon, pagpapalapad ng kalsada, water supply, at sistematikong pagkolekta at pagtatapon ng basura.