Hindi man purong dugong Filipino ang nananalaytay sa kanyang mga ugat, sa kanyang puso ay isa siyang tunay na Pinoy at isang malaking karangalan para sa kanya na katawanin ang Pilipinas sa pandaigdigang larangan ng Mixed Martial Arts (MMA).

Ito ang sinabi ng Filipino American na si Brandon “The Truth” Vera sa naganap na press launch ng ONE: Spirits of Champion sa Grand Ballroom ng City of Dreams kahapon sa Pasay City.

“This is home, kayong lahat, kahit hindi tayo magkapamilya by blood, I want to fight for all of you,” anang tanyag na Muay Thai stylist at 8-time Grapplers Quest Champion na si Vera.

Ayon kay Vera, kakaiba ang kanyang pakiramadam kapag dito siya lumalaban sa Pilipinas kaya naman para sa kanya ay isang “homecoming” ang kanilang nakatakdang laban ng British kickboxing stalwart na si Chi Lewis Parry sa darating na Disyembre 11 sa MOA Arena kung saan nakatakda ring lumaban ang mga half-Pinoy na sina Ana Julaton, Mark Striegl at Ruel Catalan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagmamay-ari ng record na walong knockout wins, makakaharap ni Vera na may Filipinang ina na tubong Tagkawayan, Quezon ang 6-foo-9 na si Parry na isang undefeated champion sa larangan ng MMA competition.

Nakatakda naming makatunggali ni Julaton, dating world boxing champion, ang Russian na si Irina Mazepa na dati namang world champion sa larangan ng kickboxing.

Isang mahusay na well-round bantamweight grappler at may professional record na 14-1, makakalaban naman ni Sriegl si Jordan “Showtime” Lucas ng Australia na hindi pa natatalo sa walo nitong laban.

Naghahangad namang makabalik sa kanyang dating porma matapos dumanas ng dalawang sunod na pagkatalo si Ruel Catalan sa pagsabak nito kontra kay Alex Silvana, isang Brazilian Jujitsu specialist.