CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Isang hinihinalang miyembro ng sindikato ng gun-for-hire, na idinadawit sa serye ng pagpaslang sa Nueva Ecija, ang napatay sa engkuwentro sa mga pulis sa isang checkpoint sa Vergara Highway sa Barangay San Juan Accfa, Cabanatuan City, sinabi ng pulisya kahapon.

Kinilala ni Chief Supt. Rudy G. Lacadin, acting director ng Police Regional Office (PRO)-3, ang napatay na suspek na si Frankie Libo Tiglao, 41, ng Purok Silangan, Barangay Daang Sarile, Cabanatuan City, na umano’y miyembro ng isang grupo ng gun-for-hire na kumikilos sa Nueva Ecija at sa ilang lugar sa Pampanga.

Sinabi ni Senior Supt. Manuel Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, na nilapitan ng mga tauhan ng Cabanatuan City Police na nagsasagawa ng “Oplan Sita” sa isang checkpoint, ang isang kahina-hinalang lalaki na armado at nakasuot ng uniporme ng militar habang naglalakad sa highway nitong Lunes ng umaga.

Ngunit bigla na lang umanong pinagbabaril ng suspek ang sasakyan ng pulis, kaya gumanti ang huli, at napatay ang suspek.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nasamsam mula sa suspek ang isang baril at mga bala.