Kabuuang 61 record ang naitala kabilang ang isang pinakamatagal na national record sa pagtatapos ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) swimming competition sa Rizal Memorial swimming pool.

Binura ni Alberto Batungbacal ng Ateneo De Manila ang 26 na taon na national record sa men’s 1,500m free sa ikaapat na araw ng kompetisyon matapos nitong isumite ang kabuuang oras na 16:49.89 segundo.

Tinabunan ni Batungbacal ang dating itinalang rekord ni Cesario Bob Palacio ng National University (NU) na itinala noong Setyembre 19,1989 na oras na 16:55.53 segundo.

Sinabi ni Tournament Director Richard Luna na tatlong individual record ang naitala sa preliminary at tatlo sa finals habang anim sa relays sa unang araw ng torneo. May anim sa individual sa preliminary at lima sa finals at isa sa relays sa ikalawang araw.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Pitong individual record ang naitala sa preliminary sa ikatlong araw habang 11 sa finals at isa sa relays. May walong individual record ang nabura sa preliminary habang pito sa finals at tatlo sa relays sa ikaapat at huling araw.

Kabuuang 50 individual record ang naitala sa loob ng apat na araw habang 11 sa relays para sa kabuuang 61.

Tinanghal naman na 2015 Rookie of the Year sa junior girls si Camille Lauren Buico ng UST (75 points), junior boys si Rafael Barreto ng Ateneo (93 points), seniors men si Arian Neil Puyo ng De La Salle (71 points) at seniors women si Ramina Rafaelle Gavino ng Ateneo (66 puntos).

Ang UAAP Coaches of the Year ay sina Ferdinand Frigillan ng UST sa junior girls, Aldo Tong ng ADMU sa junior boys, Sherywn Dela Paz ng ADMU sa seniors men at si Candice Esguerra ng ADMU sa seniors women.

Tinanghal naman na kampeon sa juniors girls ang University of Santo Tomas at sa juniors boys, seniors men at seniors women ang Ateneo De Manila.

Kinilala bilang Most Valuable Players (MVP) sa junior girls si Nicole Meah Pamintuan ng DLSU (105 points), sa junior boys si Maurice Sacho Ilustre ng DLSU (105 points), sa seniors men si Jessie Khing Lacuna ng ADMU (105 points) at sa seniors women si Hannah Dato ng ADMU (105 points).