Halos anim na milyong voter’s identification (ID) card ang hindi pa rin kinukuha sa mga lokal na opisina ng poll body sa buong bansa, iniulat ng Commission on Elections (Comelec).

Kaugnay nito, hinimok ni Comelec Chairman Andres Bautista ang 5,969,072 botante na kunin na ang kanilang mga ID, nang personal o sa pamamagitan ng isang kinatawan na may authorization letter, sa mga opisina ng Comelec sa kanilang lugar sa oras ng trabaho.

“For those who have not gotten their voter’s IDs, they should check the availability via the Comelec Precinct Finder at the Comelec website (www.comelec.gov.ph.),” aniya.

Gayunman, nilinaw ng poll body chief na hindi requirement ang voter’s ID sa pagboto sa eleksiyon sa Mayo. “As you know, you don’t need a voter’s ID to be able to vote,” aniya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang voter’s ID ay kinikilala sa lahat ng opisina ng pamahalaan at mga bangko para sa identification purposes ng isang tao at ibinibigay sa isang rehistradong botante. (MARY ANN SANTIAGO)