Nagbukas na ang 2015 Sapatos Festival sa Marikina City tampok ang exhibit na pinamagatang “Evolution of Shoes” at mega sale bazaar ng mga mura at de kalidad na sapatos at leather products.

Mayroon ding Philippine Footwear Leather Goods Trade Show sa Nob. 6-9 sa 4/F ng Legislative Building, Tour de Takong o stiletto race sa Nob. 14, 3 p.m. sa Freedom Park, Danza de Takong o stiletto dance contest sa Nob. 27-28 (eliminations) at Dis. 12 (finals), 6 p.m. sa Freedom Park, Time Capsule sa Dis. 4, 7 a.m. sa Sentrong Pangkultura (Kapitan Moy) at Grand Parade, Festival Queen, Street Dance Competition, Float Parade sa Dis. 5, 3p.m. sa Marikina Sports Center .

Magtatagal ang festival hanggang sa Disyembre 30 sa layuning pagyamanin ang industriya sa paggawa ng sapatos sa Marikina City. (Mac Cabreros)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'