KINUMPIRMA na ni Direk Wenn Deramas na isa sa mga gagawin niyang proyekto sa 2016 ang balik-tambalan nina Piolo Pascual at Claudine Barretto. Sey ni Direk Wenn, eversince ay isa si Claudine sa mga artista na paborito niyang idirek.
Kaya hiningi niya sa Viva Films ang pagkakataon na muli itong maidirehe.
Pinilit Kong Limutin Ka ang titulo ng reunion project nina Claudine at Piolo Pascual.
“Ang kausap ko pa lang naman dito, eh, ang Viva Films kaya ayoko pa ring magpakasigurado dahil hindi pa nabanggit ito kay Piolo. Pero sabi ni Boss Vic (del Rosario) at ni Tita Malou (Santos), eh, gawin na raw namin ‘yan,” pahayag ni Direk Wenn.
Dahil na rin sa mga positibong reaksiyon na nakuha ni Direk Wenn sa Maalaala Mo Kaya episode na ipinalabas last Saturday (gumanap na rape victim ng sariling ama si Claudine), sumagi sa isip niya na kailangan na niyang maumpisahan ang pre-production ng bagong Piolo-Claudine movie.
“Nagtatawagan na nga sa akin ang mga fans ni Claudine at sa totoo lang, eh, marami siyang pinaluha sa napakasensitibong isyu ng incest na talagang nagampanan niya nang maayos,” banggit pa rin ng box office director.
Samantala, kung umani ng papuri si Claudine sa pinagbidahan niyang MMK episode ay katakut-takot namang pangba-bash ang inabot niya nang mag-post siya ng screen grab kina Alden Richards, Wally Bayola, Maine Mendoza na may caption na, “Love u Aldub! #aldubfan”.
Ipinaalala ng bashers kay Claudine na kababalik lang niya sa Kapamilya Network pero nagkomento agad siya ng ganoon.
Wrong timing ang post ni Claudine dahil sa gabing iyon ay ipapalabas naman ang kanyang MMK.
Banggit ng kanyang isang tagahanga, insensitive daw ang aktres dahil pagkatapos niyang mag-guest more than two weeks ago sa It’s Showtime ay nag-post naman siya ng katapat nitong noontime show.
Walang naman daw sanang problema kung nanood na lang si Claudine ng Eat Bulaga pero sana ay hindi na lang daw siya nag-post.
Pero kinampihan naman agad si Claudine ng mga loyalistang fans niya.
“MMK wow! Galing mo talaga @claubaretto! You are also right in your response. Respect begets respect! But next time don’t feel sorry for these people. Pati ba naman personal choice ay pakikialaman pa! Get a life people!”
(JIMI ESCALA)