Louie albert marketing mgr, albert chua owner, kim chua copy

UNTI-UNTI nang natutupad ang pangarap ni Kim Chiu na maging businesswoman.

Bukod sa kanyang franchise businesses, partner pala siya ng ATC Healthcare na pag-aari ni Albert Chua at siya na rin ang kinuhang endorser ng FatOut na ayon sa aktres ay colon cleansing food supplement.

Kuwento ni Kim sa launching at contract signing niya sa ATC, “Business partner ako dito with a good cause. Kasi lahat ng proceeds ay mapupunta sa selected foundation ko and sa ATC Foundation. Pumayat ka na, nakatulong ka pa sa ibang tao.”

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Ikalawang endorsement na ito ni Kim tungkol sa kalusugan.

“’Yung una ay parang campaign lang na Win Against Asthma at ito namang FatOut, supplement siya at talagang sinubukan ko at effective talaga, talagang seseksi ka,” nakangiting kuwento niya.

Sexy ba talaga ang tingin ni Kim sa sarili?

“Oo naman, sexy ako talaga. Oo naman, ganu’n talaga sagot. Ang sexy naman is not about the skin, ipinapakita mo, eh. It’s how you express yourself in a sexy way. Kung iisipin mong sexy ka, lalabas ‘yun.”

At dahil confident na si Kim sa kanyang sexy body, puwede na siyang tumanggap ng daring role.

“Depende po sa kung ano ang idudulot kong maganda, kung makaka-inspire po tayo sa ibang tao, depende sa tatanggapin nating role. Siyempre, TV personality tayo, maraming taong naglu-look up sa atin and siyempre may moral obligation tayo sa mga tao. Kung ‘yung kaseksihan mong ‘yun ay makaka-inspire sa mga tao, gagawin ko,” katwiran niya.

Kung matutuloy ang movie project nila ni Piolo Pascual at kailangan ng sexy scene, okay ba kay Kim?

“Isang sequence lang naman siguro ‘yun, so bakit naman hindi since ten years ko na next year (sa showbiz). Tingnan natin,” nakangiting sagot ng aktres.

Sabi ni Kim ay safe gamitin ang FatOut dahil isa itong Sweep and Shred Formula na lumilinis ng colon at nakakapagbawas ng taba sa katawan. (REGGEE BONOAN)