'OTWOL' Spread The Love Tour sa Market! Market! copy

MARAMING beses na kaming pumunta sa Market! Market! kapag may mall show pero sa nakaraang On The Wings of Love Spread The Love Tour lang namin nakitang punumpuno ang buong mall simula sa ikalimang palapag hanggang sa ground floor, iba pa ‘yung mga nakikinig na lang sa mga kainan dahil wala nang mapuwestuhan sa may Activity Center.

Ayon sa head ng ABS-CBN Integrated Events, umabot sa 10,000 ang estimated crowd headcount sa mga dumalo.

Inamin ng empleyada ng Market! Market administration na itong OTWOL show ang pinakamaraming nanood at tinalo nito ‘yung kay Daniel Padilla nang mag-promote ng Lily’s Peanut Butter.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

“Akala nga namin ‘yung kay Daniel na ang pinakamarami kasi talagang grabe ‘yun, pangalawa na lang ‘yun dito kina JaDine,” sabi sa amin.

Kumpirmado, Bossing DMB at nakita mo rin naman na sobrang daming Otwolistas ang dumagsa at hindi na nga tayo makahinga sa kinauupuan natin sa sobrang init.

Hindi naman kami nainip dahil naaliw kami sa inihandang production numbers ng buong cast ng On The Wings of Love sa pangunguna nina James Reid, Nadine Lustre, Albie Casiño, Nico Antonio, Bianca Manalo, Jason Francisco at ‘yung gumaganap na anak ni Bianca na nag-Michael Jackson showdown, at kahit na hindi kumanta’t sumayaw ay hiyawan to the max din sa dalawang direktor na sina Jojo Saguin, Antoinette Jadaone at Ms. Cherry Pie Picache.

Nakabibingi ang mga sigawan at padyakan ng Otwolistas nang mag-dance-showdown sina Jigs at Clark (in character sina Albie at James) ng Nanae na siyempre panalo ang huli.

Maging sa pagkanta ay mas maraming humihiyaw kay Clark at tama rin naman ang sinabi ni Jigs na, “Maraming nagagalit sa akin dito sa On The Wings of Love, paano naman, inagaw ng pinsan ko ang babaeng mahal ko, maski kayo man ang lumagay sa katayuan ko, mauunawaan ninyo ako, di ba?”

Pero ang nakatutuwa, habang kumakanta si Jigs ng Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin ay pinitik niya sa mukha ang standee ni Clark kaya riot na naman sa hiyawan ang mga tao. Sa bandang huli, itinumba na niya ang standee ng karibal sabay halik sa standee naman ni Lea.

(Editor’s note: Nakabawi na ang dating naunsyaming career si Albie, sana tuluy-tuloy na ito.)

In fairness, may moment din sina Nico at my labs niyang si Tiffany (Bianca) at patok na patok din ang love team nila. Siguro kung pareho silang available, baka puwedeng magka-developan.

Maagang na-sold out ang lahat ng merchandise ng OTWOL kaya marami pang naghanap. Ayon sa taga-Dos na pinagtanungan namin, P624,000 ang kanilang total sales. Ang mga hindi pa nakabili, mag-abang na lang siguro ng susunod na Spread The Love tour sa piling malls sa Metro Manila at mga probinsiya o puwedeng pumunta sa ABS-CBN outlet para maka-avail.

Present ang lahat ng Dreamscape Entertainment executives at staff sa pangunguna ni Deo Endrinal na labis ding nagpapasalamat sa lahat OTWOListas na dumayo para saksihan ang nasabing show.

Inilunsad din sa show ang OTWOLista.com website na maaaring bisitahin ng lahat ng JaDine fans para malaman ang lahat ng updated news tungkol sa kanilang favorite love team.