Laro sa Martes (Oktubre 27) Marikina Sports Center

7:00 p.m.

Macway Travel vs Philippine National Police

8:30p.m.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sta. Lucia Land Inc. vs Philippine Christian University

AGAD na nagpahiwatig ng kahandaan na muling mag-kampeon ang Hobe Bihon-Cars Unlimited nang tambakan nito ang Mindanao Agilas, 96-62, sa pagbubukas ng 5th DELeague Basketball Tournament nitong Linggo sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Sa isa pang laro sa opening day ay binigo ng Macway Travel ang Austen Morris Associates, 83-79, sa Group B.

Ang Hobe Bihon-Cars Unlimited, na naghari sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman noong 2012 at 2013, ay pinangunahan ni Rodrigue Edundo na gumawa ng 16 puntos, pitong rebounds, apat na assists at tig-isang steal at block shot.

Umpisa pa lang ng laban ay dinomina na ng Hobe ang laro at lumamang ng 19 puntos, 34-15, sa first quarter. Nanaig din ang Hobe sa rebounding department, 25-13, para maagaa nitong pangunahan ang Group A.

Doble panalo rin ang Hobe dahil nakamit ni Kresna Galindez ang parangal bilang Best Muse sa opening ceremony ng ligang suportado rin ng PSBank, Accel Sportswear at PCA-Marivalley

Si Jonathan Pareños ay may 11 puntos at si Rene Pacquiao ay may 10 puntos at anim na rebounds para sa Agilas.

Samantala, nakakolekta naman ng 21 puntos, anim na rebound at limang assist si Paul Santiago para ihatid sa panalo ang Macway Travel Stalions.

Ang dating PBA player na si Nic Belasco ay gumawa ng 12 puntos at anim na rebounds para sa Austen Morris Associates.

Magpapatuloy ang mga laro sa Miyerkules kung saan makakasagupa ng Macway Travel ang Philippine National Police sa unang laro at maghaharap naman ang inaugural season champion Sta. Lucia Land Inc. at Philippine Christian University sa main game. Mabibili ang ticket sa halagang PhP10 lamang.

Ang 11-team tournament na ito ay itinataguyod din ng Mckie’s Construction Equipment Sales and Rentals, Luyong Panciteria, Azucar Boulangerie and Patisserie, JAJ Quick Print, Mall Tile Experts Corporation, Jay Marcelo Tires, Polar Glass and Aluminum Supply at Mr. and Mrs. Dot Escalona.

Para sa resulta ng mga laro maaaring bisitahin ang www.sports29.com.